Mahalin mo muna ang sarili mo ( 1st Entry)

Image result for love yourself
May mga panahon na kailangan mo munang mahalin ang sarili mo bago mo mapatunayan na kaya mong magmahal ng ibang tao.
Remember: “You cannot give what you do not have”
Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao kung sa sarili mo hindi mo maibigay ang pagmamahal na dapat ay para sayo – ang pagmamahal na DESERVE mo?
Ganun din sa respeto at pagtitiwala. Bago mo mairespeto ng TUNAY ang ibang tao, nararapat lamang na respetuhin mo muna ang sarili mo. Bago mo mapagkatiwalaan ang ibang tao ng buong buo ay dapat mayroon kang tiwala sa sarili mo.
Kaya kung minsan, anak, kailangan maglet-go. Kasi, sa umpisa palang, wala ka ng ibibigay na pagmamahal. Kasi, mismong sarili mo, hindi mo kayang mahalin.
May mga panahon na kailangan mo munang buo-in ang sarili mo bago ka humanap ng iba. Kasi, sa totoo lang, hindi ka kayang buo-in o kumpletuhin ng kahit sino.
Niloloko ka lang ng mga pelikulang nagsasabi na: “you complete me” o kung ano-anong “kulang ako pag wala ka” drama.
Addition nalang sa happiness mo ang mga tao sa paligid mo. HINDI KA NILA KINUKUMPLETO KASI KUMPLETO KA NA.
Tandaan mo: hindi maibibigay ng ibang tao ang self-worth mo. Ikaw lang ang may hawak nun.

Paparusahan mo lang ang taong makakasama mo pag hindi mo kayang mahalin ang sarili mo kasi magiging NEEDY ka – kailangan lagi kang itext ng good morning, good afternoon, o good night. Kailangan lagi siyang nagpapaalam sa iyo kung saan siya pupunta o kung sino ang mga kasama niya o kung ano-ano pang kailangan mo. Lahat yan dahil sa insecure ka sa pagmamahal niya.
Hindi naman kita pinipigilan magmahal. Oo, tama na maghanap ka ng partner. Pero, sana naman, kaya ka naghahanap ng partner ay dahil sobra-sobra ka sa pagmamahal kaya kailangan mong i-share, hindi yung kulang na kulang ka kaya kailangan mo ng hihigupan ng pagmamahal.

Comments

Popular Posts