PAMILYA (5th entry)





Related image

Ang ating pamilya ay isa sa mga pinaka mahalaga sa ating buhay. Sila ay laging nandiyan kapag tayo ay nag-iisa at kapag may kailangan tayo. Kung mawawala sila sa ating buhay, siguro ay malulungkot tayo at masasaktan.

Ang unang punto kung bakit mahalaga sila ay dahil sila ang una nating tinatakbuhan kapag tayo'y may kailangan o problema. Pamilya ang unang pinagsasabihan sa mga bagay-bagay. Isa sa halimbawa nito ay kapag nasaktan tayo o may naka away sa skwela , ang unang pagsasabihan natin ay ang ating nanay o tatay. Pinagsasabihan tayo kung ano ang dapat o hindi dapat gawin. Sa mga gawain, ang ating mga kapatid ang ating nilalapitan upang magpa tulong. Pamilya ang nag-aalaga sa atin sa mga oras na mahina tayo o karamay sa buhay.

Pangalawa, sila ang unang sumusuporta sa ating mga gusto o mga gawain. Isa sa halimbawa nito ay kung mayroon kang sinasalihan na patimpalak, sila ang unang makikita mo na sumusuporta sa iyo. Suportado ka sa lahat ng bagay na alam nila na ito'y nagpapasaya sa iyo, pero hindi naman sa lahat ng oras ay masusunod mo ang gusto mo dahil minsan sila ang nag dedesisyon para sa ikakabuti mo.

Pamilya ang ating taga-payo sa ating buhay na kung minsan ay binabalewa lang natin ito dahil sa gusto natin masunod ang gusto natin pero hindi lang natin alam na ang lahat ng iyon ay para lang din sa ikakabuti natin, magabayan tayo patungo sa magandang kinabukasan. Nagpapalakas sa ating loob kapag tayo ay lugmok at kailan man ay hindi ka iiwan.

Huwag nating antayin na mawala ang ating pamilya bago natin sila pahalagahan dapat hanggat nabubuhay pa sila ay ipadama din natin ang ating pagmamahal dahil ang tama na maibalik din natin ang kanilang pagmamahal at masuklian din natin sila sa kanilang paghihirap para tayo ay mabuhay na maayos.

Comments

Popular Posts