ANG MAAGANG PAGBUBUNTIS NG MGA KABATAAN( 4th Entry)

Image result for maagang pagbubuntis


Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nahahantong sa maagang pagbubuntis. Sa maagang edad ng kanilang pag dadalang tao, alam na kaya nila ang mga responsibilidad na kaakibat nito? 

Alam natin na ang pagpapamilya o ang pagkakaroon ng anak ay hindi basta-bastalang, lalo na sa hindi tamang panahon. Ano nga ba ang dahilan ng maagang pagbubuntis ng mga kabataan ngayon? Ano kaya ang magiging epekto nito sa kanilang kinabukasan at buhay? Nakakabuti ba ito sa ating lipunan o nakakadagdag lamang ng problema sa ating bansa.

Sa pag usbong ng makabagong henerasyon, parami na ng parami ang kaso ng teenage pregnancy dito sa ating bansa. Malaki ang kaibahan ng mga kabataan noon kumpara ngayon, dahil sa tinatawag na 'curiosity' sa lahat ng bagay.

Ang maagang pagbubuntis ng kabataan ay nagdudulot ng masama sa kanyang kinabukasan lalo na sa mga kababaihan. Ang mga nagiging sanhi nito ay ang pagpayag ng mga kabataan na maimpluwensyahan sila na makipag talik kahit na hindi pa lubos na naiintindihan ang kaakibat na mga resulta ng ganitong mga gawain.

Ang maagang pagbubuntis ay humahadlang sa magandang kinabukasan na pinapangarap ng mga magulang sa kanilang mga anak. Magreresulta ito sa pag babagsak sa isang hindi gaanong magandang trabaho. Magsisimula na rin dito ang pagsasakripisyo at mararanasan mo na ang kahirapan sa buhay.

Hini masama ang pumasok sa isang relasyon ngunit dapat alam natin ang ating mga limitasyon. Mas gawin nating priyoridad ang pag-aaral upang makatulong sa pamilya balang araw at gawing inspirasyon ito sa pang araw-araw. Huwag tayong magpadala sa ating mga kuryosidad sa mga bagay-bagay lalo na sa pakikipag talik sapagkat ito ay isa rin sa mga dahilan sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan at patungo sa kahirapan ng buhay. 

Huwag tayong magpadala sa bugso ng ating mga damdamin, huwag tayong magmadali at maging mapusok sa mga bagay-bagay dahil ang lahat ay may tamang panahon at pagkakataon.

Comments

Popular Posts