PAGPAPATIWALAKAL (9th Entry)
Pagpapatiwakal ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema.Kapag hirap na at wala ng pag asa, ang pagpapakamatay ang short cut para makatakas. Isa sa iniisip ng mga nagpapakamatay, tulong ito sa kanilang pamilya para hindi na sila makadagdag pa ng problema. Ganito ang maraming kaso ng mga may malubhang karamdaman na nagsu-suicide. Pero sa pamilyang naiwan, lumilikha ito ng karagdagang problema hindi lang sa usapin ng emosyon.
Aniya, ang pagpapakamatay ang naisip ng mga tao na wala ng nakikitang pag-asa sa buhay. Kapag naramdaman na niya na wala na siyang kuwenta, na wala na siyang halaga at hindi na niya kayang gawin ang mga bagay na dapat niyang gawin, nade-depress ito at maaaring siyang mag-udyok para magpakamatay. Ang nararamdamang 'negativity' umano ay dapat na maalis at gawing positibo upang muling lumaban.
Iba't iba ang maaaring panggalingan ng depresyon. Maaaring problema sa lovelife, pera, trabaho, pagkapahiya, mababang grades at posible rin na mayroon itong namanang hormone sa mga magulang kaya madaling ma-depress. Hindi rin naman umano lahat ng tao na sinasaktan ang sarili para maramdaman ang sakit at kung gaano kataas ang kanilang tolerance sa pain.
huwag nating hayaan na kainit tayo ng problema dapat tayong lumaban dahil lahat ng problema ay may sulosyon at lilipas din ito . iisa alang ating buhay huwag nating sayangin isipin natin bakit tayo nabubuhay ang mga masasayang alaala ating damahin ng maka bangong muli.
Comments
Post a Comment