MASAMANG DULOT NG PANINIGARILYO (3rd entry)
Ano ba ang dahilan sa paninigarilyo? Ano-ano ang mga epekto ng paninigarilyo?
Makakabuti ba ito sa ating kalusugan? Ito ba ang solusyon para mawala ang stress?
Ito basa sa aking nakikkta sa mga taong naninigarilyo at minsan pa ay may pamilya na ang nakikita ko nanag dudulot ng away dahil wala ng pambili ng sigarilyo.
Maraming dahilan kung bakit naninigarilyo ang isang tao iba't iba ang kanilang rason.
Mga dahilan ng paninigarilyo ay impluwensya ng barkada, magulang, depresyon, at iba pa. Pero sa tingin mo ba mawawala ang sakit na iyong nadama pagkatapos mong manigarilyo?
Huwag mong antayin na darating ang araw na pagsisihan mo ang isang bagay na alam mo namang ngayon pa lang ay kaya mo nang tigilan. Huwag mong antayin na makapamilya kana lang ayaw mo pang tumugil baka di mo na maabotan ang kanilang mga nagawa para sa iyo.
Ito ay hindi maganda sa ating kalusugan. Base sa mga nabasa at naririnig ko ay may naidudulot itong ma sakit tulad ng stroke, pneumonia, sakit sa puso at iba. Hindi din ito nakakabuti sa ating kapaligiran dahil maaari itong makaapekto sa ating kalikasan at higit sa lahat sa mga bata at matatanda na nakakapaligid sa atin, lalong lalo na pag nasa loob ng bahay ka nag sisigarilyo puwede kasi nila itong malanghap at sanhi ng pagkakasakit.
Kung ang iyong rason ay pampalipas oras, pawala sa stress, nakasanayan o iba pa ako sayo itigil mo na yan kasi wala yang patutunguhan na gawi. Kung stress ka o bored ka lumabas ka ng bahay makipag-usap ka, mag-laro ng sports at gumawa ka ng bagay-bagay sa loob ng bahay nakakatulong iyan para din sa iyong sarili.
Huwag mong pakinggan ang iyong mga kaibigan ukol diyan na paminsan-minsan lang dahil pag nagka sakit ka ikaw lang din ang magsasakripisyo.
Kaya iwasan natin ang paninigarilyo upang tayo ay makaiwas sa sakit at makapinsala pa ng ibang tao sa ating paligid na hindi gumagamit ng sigarilyo. Ugaliin nalang nating maging malusog at matibay ang ating resistensya. Yung ibili mo ng sigarilyo sa isang araw, puwede ka ng makabili ng pagkain o di kaya'y iponin mo nalang para sa mga panahon magka-emergency may pagkukunan ka.
Bigyan mo ng halaga ang iyong sarili at gamitin mo ng tama ang iyong buhay ng hindi na sasayang.
Comments
Post a Comment