ANG PAGTITIPID NG PERA (8th entry)

Sadya ngang napakahirap nitong gawin. Lalo na't sa mga estudyanteng katulad ko na wala ng ibang ginawa kung hindi ang gumastos. Siguro nga mahirap ang mag-ipon ng pera , pero tandaan na ang lahat ng bagay sa mundo ay puwedeng matutunan sa pamamagitan ng pag disiplina sa sarili. Ngunit sa katotohanan , dapat talagang magplano ng iyong gagawing pagba-budget at pag-iipon. 

Alamin ang iyong lingguhang budget at hatiin ang mga gastusin na naayon sa iyong budget. Gawin mo ito ng may matira pa sa iyong budget. Siguraduhin iyong susundan ang iyong plano. Huwag itong balewalain at bigyan ang sarili ng strict instructions na sundan ang iyong plano para sa perang iyong nahahawakan. Mawawalan ng silbi ang iyong plano kung hindi mo naman ito susundin. May mga taong madaling mawalan ng pera, hindi alam kung saan ito napupunta. Importanteng malaman kung saan nanggagaling ang iyong pera at kung saan ito napupunta. Mahalagang malaman kung saan tumutungo ang iyong pera. Maaring magkaroon ng record book kung saan mo puwedeng ilista ang iyong mga natatanggap na pera at kung ano ang iyong gastusin. Hangga't maaring limitahan ang sarili ay ating gawin, wag lang sosobra.

Subukang itabi ang mga natirang pera sa recess. Ang pamumuhay sa maliit na halaga lamang ay mahirap. Ang paghihirap ay parte ng buhay ng tao, ngunit masusuklian naman lahat ng iyong paghihirap kapag iyo ng nagamit ang perang iyong pinaghirapan - pambili ng mga kagamitan man o gamitin sa oras ng pangangailangan. Katulad nalang ng mga bagay na lagi nating binibili, mga damit, sapatos, shorts, panyo, at iba-iba pa. Syempre, ang palagiang pagpapaload kahit hindi naman kinakailangan. 

Isang katangian na iyong matututunan habang ikaw ay nag-iipon ay ang pagiging matipid. Ang pagtitipid ay isang magandang katangian - huwag lang itong sobrahan. Iwasang magsayang ng pera para sa mga walang halagang mga bagay. Hangga't kayang tipirin ang isang bagay ay kailangang gawin. Mag-ipon ng mabuti upang may magamit sa hinaharap. Mahirap man, disiplina lang ang kailangan. Mas masayang mag-ipon kung meron kang dedikasyon, dahil alam nating sa huli, tayo rin ang makakagamit at makikinabang ng ating inipon.

Comments

Popular Posts