ANG TAONG TAPAT AY MABILIS AANGAT (6th entry )


"Ang taong matapat ay mabilis aangat"

Paano mo ba pinapahalagahan ang iyong pag-angat sa buhay?
Ano ba ang makukuha natin sa pagiging matapat?

"ANG PAGIGING MATAPAT ANG UNANG HAKBANG SA LIBRO NG KARUNONGAN."

Sa mundong ito maraming tao ang tapat maraming ang ding  hindi. Minsan sasabihin nalang na  okay lang yan paminsan-minsan lang naman. 

Para sa akin ang pag-angat sa buhay ay hindi nakabasi sa pera o dami ng followers sa social media at hindi sa pagiging sikat . Pinapahalagahan ko ang pag-angat sa buhay sa paraan ng may mabuting hangarin sa buhay na may mabuting pag-uugali, pag-sisikap at pagiging matapat sa lahat ng bagay.

Ang pagiging matapat ay mas pinapalakas ang ating kumpyansa sa sarili sa anomang bagay. Nireprensenta natin ang ating sarili sa lahat bilang magandang halimbawa sa iba na sa tingin nila ay maganda.

Pagiging matapat ay isa sa aking presenpyo sa buhay ito yong bagay na madaling gawin upang makaiwas sa masamang gawain at maging masaya na walang kaba.
Para din umangat sa buhay at mapunan ang pagkukulang.


Pagsasabi ng katutuhanan at sabayan ng gawa ay nagpapakita ng respeto  kung ano ang tama sa etikal na gawain at sa moral na integredad.

Ang taong tapa ay nakakakuha ng respeto at atensyon ng iba na siyang magdadala  sa iyo patungo sa iyong mithiin sa buhay pinapatatag nito ang ating sarili na ipagpatuloy ang mabuti nating gawain sa buhay dahil alam nating matapat tayo sa lahat ng walang daya. Isa ito sa sekreto ng taong umangat sa buhay na responsable sa lahat ng bagay .
 
Para umangat sa buhay kailangng maging tapat  tayo sa lahat ng bagay magsisimula tayo sapagiging tapat hindi mamaya , bukas o sa kinabukasan kundi ngayon. Pagiging matapat sa lahat ng iyong makakaya sa iyong sarili magaing sa tapat sa salita at sa  gawa.

Pagiging matapat ay isa sa pinakamadaling gawin para matigil ang pagkakamali na pweding maging sanhi ng pagkabigo sa natin.






Comments

Popular Posts